^

Metro

PUJ sa MM, unang tatamaan sa modernization program

Pilipino Star Ngayon
PUJ sa MM,  unang tatamaan sa modernization program

Ang MVIS ay bahagi ng programa ng pamahalaan hinggil sa modernisasyon ng transportation sa buong bansa, subalit uunahin lamang muna nga itong ipatupad sa Kalakhang Maynila. File

MANILA, Philippines — Sa Metro Manila lamang muna ipapatupad ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTF­RB) ang PUV Modernization Program.

Ito ang nilinaw ni LTFRB chairman Martin Delgra, kung saan may tatlong ruta balak umpisahan ang programa, kabilang dito ang Taguig, Pateros at ang ruta ng shuttle patungo ng Senado.

Ayon kay Assistant Secretary Mark De Leon ng Department of Transportation (DOTr) na gagamitin dito sa Metro Manila ang tinatawag na category 2 at 3 ng modernong jeep . Sa mga lalawigan hihilingin nilang ipatupad ang category 4 na akma sa lubak-lubak na mga lansangan.

Dahil dito kaya pinatitiyak ni Surigao Rep. Johnny Pimentel na matibay ang mga bagong jeep na magagamit sa mga lalawigan kapag ginawa nang nationwide ang pagpa­patupad ng PUV modernization.

Sinabi ni Pimentel, na base sa nakita niyang uri ng modernong jeep na ilalarga sa ilalim ng programa at madali itong masisira at baka dalawang buwan lamang ang itagal nito sa mga probinsiya.

Nilinaw naman ni Delgra na hindi lamang limitado sa iilang car manufacturer ang pagsu-supply ng mga makabagong jeep.

Maaari naman umanong pumasok dito ang kahit aling kompanya ng sasakyan basta may kakayahan na tumugon sa requirement ng modern jeepney.

Samantala, pagsapit ng Enero 2018 ay ipatutupad na  din ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT), Department of Transportations (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA) ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa lahat ng uri ng behikulo  sa bansa , kung saan uunahin muna ang mga jeepney.

Ang hakbanging ito ay kaugnay  sa mahigpit na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na dapat ay wala na aniya siyang makikitang luma at bulok na jeep na pumapasada sa mga lansangan pagsapit ng Enero  2018.

Ang MVIS ay bahagi ng programa ng pamahalaan hinggil sa modernisasyon ng transportation sa buong bansa, subalit uunahin lamang muna nga itong ipatupad sa Kalakhang Maynila.

Sa pamamagitan ng MVIS, dito ay masusuri kung ang isang sasakyan ay pwede pang gamitin,  dahil iinspeksiyunin ang mga bahagi nito, simula sa  gulong, brake, emmission, mga ilaw at iba pang spareparts.

Dahil sa datus ng DOTr,  98 porsiyento na mga jeep na bumabagtas sa kalsada ay  pawang mga bulok aniya na panganib na rin sa mga sakay o pasahero nito.

Nabatid  na nasa 26 na machines, na nagkakahalaga ng  nasa P790 million  ang nakatakdang dumating para siyang gagamitin ng pamahalaan sa pagpapatupad ng MVIS.

Nakasaad sa programa ng modernisasyon, lahat  aniya ng  bulok na  mga sasakyan, partikular ang jeep ay magi­ging scrap, dadalhin ito sa junkshop at wawasakin.

Kung saan babayaran naman ng gobyerno ang tatamaan sa naturang programa at sila ang unang prayoridad na makakapag- avail para sa benepisyong makapag-loan ng sasakyang gagamitin nila sa pamamasada at wala aniya itong downpayment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with