^

Metro

Bantay-bayan, suspek sa pagpatay kay tserman, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bantay-bayan, suspek sa pagpatay kay tserman, timbog

Ang bantay-bayan na si Christopher Calumbi na suspect sa pagpaslang sa isang brgy. chairman. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Bantay Bayan member kamakalawa matapos na iturong isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman sa loob ng isang bilyaran sa Brgy. Poblacion, Mandaluyong City. 

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula ang naarestong suspek na si Christopher Calumbi, residente ng Pasig City.

Batay sa ulat ng EPD, dakong alas-7:30 ng gabi nang arestuhin ng mga operatiba ng Mandaluyong City Police, sa pangunguna ni P/Senior Inspector Virgilio Platoon, ang suspek sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA, kanto ng Boni MRT Station.

Nag-ugat ang pag-aresto nang isang eye witness ang makapagsabi sa pulisya na ang suspek ay isa sa mga posibleng pumatay kay Brgy. Poblacion Chairman Godofredo Tolentino noong Oktubre 13 sa loob ng isang bilyaran sa Amado T. Reyes Street, sa Brgy. Poblacion.  

Kaugnay nito, pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang isang di pa pinangalanang suspek na siya umanong mastermind sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with