PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

TINGNAN: 500 pamilya apektado ng demolisyon sa Pasig

MANILA, Philippines – Nasa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Pasig City matapos ituloy ang demolisyon ngayong Huwebes.

Giniba ang mga tahanan dahil nakatayo ang mga ito sa “danger zone” ng Manggahan Floodway sa Barangay Sta. Lucia.

Binigyan naman ng pagkain at cash assistance ang mga apektadong pamilya.

Bago ang demolisyon ay nasa 180 pamilya na ang pumayag sa alok na relokasyon sa Tanay, Rizal.

Dati nang nagkagulo sa lugar matapos almahan ng mga residente ang demolisyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: