^

Metro

MRT-3, tatlong beses tumirik

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong beses tumirik at nakaranas ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon ng umaga na muling ikinadismaya ng maraming pasahero.

Nabatid na pinababa ang mga pasahero sa Boni station southbound ng alas-5:22 ng umaga bunsod ng technical problem. Pinasakay na lang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.

Dakong alas-8:20 naman ng umaga nang maitala ang ikalawang aberya sa MRT. Pinababa rin ang mga pasahero sa Shaw Blvd. station southbound dahil sa nagkaproblema din na tren.

Hinatak pabalik ng MRT-3 depot sa North Avenue, Quezon City ang dalawang tumirik na bagon para muling isaayos.

Ang ikatlong aberya ay naganap dakong alas-3:16 ng hapon sa North Avenue makaraang masira ang signalling system at makitang bitak sa riles.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa muna sa North Aveneu, Quezon City patungo ng Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with