^

Metro

Bagong traffic route adjustment, ipapatupad

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Sa Marcos Highway

MANILA, Philippines — Dahil sa nararanasang mabigat na daloy ng trapiko sa Marcos Highway kaugnay sa konstruksiyon ng Light Rail Transit (LRT) 2 Extension, magpapatupad ng bagong traffic route adjustment ang Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) sa mga public utility vehicle (PUV), ngayong araw na ito.

Ayon kay Jojo Garcia, MMDA Assistant General Ma-nager for Planning, simula ngayong alas-12:00 ng hapon para sa kaalaman ng mga tsuper ng PUV, hindi na sila pwedeng magbaba at magsakay   sa harapan ng dalawang shopping malls (Robinsons Metro East and Sta. Lucia Mall).

Maaari lamang aniya ang loading at unloading ng pa-sahero sa gilid ng naturang mga mall.

Kabilang ito sa mga traffic route adjustment na pinatu-tupad nila sa mga PUV.

“This move is to free up space for motorists on the identified chokepoint area with LRT construction taking up lanes on the said portion,” ani Garcia.

Kailangan aniyang mag-lagay ang mga mall operator ng harang bilang magiging gabay ng mga driver at ma­nanakay para hindi aniya maging sanhi ito ng traffic obstruction.

Ang naturang traffic scheme ay sa pakikiisa ng LGUs at mall operators para makabawas aniya ng trapik sa Marcos Highway.

Iisyuhan nang panikit ang driver na mga lalabag.

Nabatid na ang konstruksiyon ng LRT-2 extension project at mula sa Ligaya,  Pa­­sig City hanggang Masinag sa Antipolo City, Rizal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with