^

Metro

Rider todas, angkas sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Na-sandwich sa poste ng LRT-2

MANILA, Philippines — Todas ang isang rider ha­bang sugatan ang kanyang ka­angkas, at anim na iba pang pasahero ng jeep sa bangga­ang naganap sa Brgy. Salapan, San Juan City, kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Dominic Peñaflor, residente ng Makati City, ngunit nasawi rin matapos na ‘ma-sandwich’ sa bumper ng pampasaherong jeepney at poste ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Sugatan din ang backride at kaanak ng biktima na si John Michael Peñaflor Valtar, gayun­din ang anim pang pasahero ng jeep, na kinabibilangan ng dalawang bata at mag-asawa, na pawang isinugod sa pa-gamutan upang magamot.

Huli naman sa mga awto-ridad ang driver ng Isuzu pa­s­sen­ger jeepney (TXD-550) na may rutang Divisoria-Recto na si Rodel Ventura, na nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to property.

Nabatid mula sa San Juan City Police na dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Aurora Boulevard, kanto ng G. Reyes Street sa Barangay Salapan.

Ayon sa saksing si Erwin Absalon, binabagtas ng jeep ang Aurora Boulevard, nang pagsapit sa naturang lugar ay mahagip nito ang motorsiklo ni Penaflor, na noon ay nag-u-turn naman.

Nakaladkad ang motorsiklo hanggang sa tuluyang bumangga sa poste ng LRT-2 at naipit ang biktima sa pagitan ng bumper ng jeep at ng LRT-2 post, at kaagad na nasawi.

Nagtanka pang tumakas ang suspek matapos ang aksidente dahil na rin sa takot na makuyog ng mga tao sa lugar ngunit malaunan ay sumuko rin sa mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with