^

Metro

Dahil sa charger: Manugang sinaksak ng biyenan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nang dahil lamang sa pag-aaway sa charger sa cellphone ay nagawang pagsasaksakin ng biyenan ang kanyang manugang na naganap sa Bagong Silang, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na sugatang isinugod sa pagamutan ay kinilalang si Ricardo Tan, 51, may asawa na residente ng Sitio Veterans, Barangay Ba­gong Silang.

Ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente ay kinilalang si Teo­dolo Cerro, 74, biyenan ng biktima na nakatira din sa  nasabing lugar.

Nabatid mula kay PO2 Frederick Silos, dakong alas-11:00 ng gabi nang magtalo ang dalawa sa loob ng kanilang bahay dahil sa charger ng biyenan na ginamit pala ng biktima ng walang paalam.

Sinasabing nagalit ang biyenan nang makitang nakasaksak sa socket ng kuryente ang kanyang charger kaya kinompronta nito ang biktima.

Upang hindi na lumaki pa ang gulo ay lumayo na lamang ang manugang pero sinundan siya ng biyenan at inundayan ng sunod-sunod sa saksak.

Mabilis namang naisugod sa ospital ang biktima, na ngayon ay ‘out of danger’ na habang ang suspek ay mabilis na tumakas na subject ngayon sa ginagawang paghahanap ng mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with