Dagdag-bawas sa presyo sa petrolyo
MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa ilan nilang produkto epektibo ngayong araw na ito (Martes, Oct. 17).
Ito ay pinangunahan ng Flying V, may nagtaas ng P0.20 kada litro sa gasolina at P0.15 kada litro bawas naman sa kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel, na epektibo ng alas-12:01 ngayong madaling araw.
Sumunod naman ang kompanyang Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum Philippines, PTT, Eastern Petroleum at iba pang kompanya ng langis sa pagpapatupad sa kahalintulad na halaga na epektibo naman ng alas-6:00 ngayong umaga.
Inaasahan naman na maglalabas din ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis na may kahalintulad na halaga. Ang ipinatupad na oil price rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
- Latest