^

Metro

Klase at pasok sa gobyerno, ‘wag nang suspendihin- LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Malakanyang na huwag nang suspindihin ang klase ng mga mag- aaral at pasok ng mga manggagawa ngayong araw ng Martes   sa ikalawang araw ng tigil pasada ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga tsuper at Operators Nationwide (PISTON).

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, boardmember ng LTFRB ito ay dahil sa  hindi naman tahasang naapektuhan ang mga mananakay sa unang araw na transport strike ng mga jeep kahapon, araw ng Lunes.

Anya, sa 74 na libreng sakay na naitalaga sa MMLA para ayudahan ang mga mai-stranded na pasahero, 23 lamang dito ang na­gamit kahapon o mahigit lamang sa 1,000 pasahero ang naapektuhan mula sa milyun-milyong mananakay ng passenger jeep.

Bago mag-ala una ng hapon, may 7 bus at 16 na government vehicles ang pinakalat para masakyan ng mga stranded passengers sa Commonwealth, Cubao  sa Quezon City at España Rotonda sa Maynila.

Normal naman anya ang sitwasyon sa Cordillera Administrative Region, La Union at Ilocos,Tuguegarao, Ilagan, Cauyan, Santiago City, Isabela Province at Batangas gayundin sa IloIlo, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Cagayan de Oro, Davao.

May mga nailagay naman anyang mga government vehicles at bus  sa ilang stranded passengers sa Pampanga,  Angeles, San Pablo City, Laguna, General Santos at  ga­yundin sa ibang rehiyon

Kahapon ay sinimulan ng Piston, KMU, Bayan Muna at iba pang peoples organization ang dalawang araw na transport holiday para kontrahin ang plano ng pamahalaan na pag- phase out sa mga 15 year old na jeep at pataas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with