^

Metro

Tigil-pasada umarangkada!

Pilipino Star Ngayon
Tigil-pasada umarangkada!

Sumama ang ilang militanteng grupo sa isinagawang welga kahapon ng PISTON. Makikita ang ilan nilamng miyembro na nagpiket sa may España sa Maynila. Edd Gumban

Biyahe, naparalisa-PISTON

MANILA, Philippines — Naparalisa ang unang araw ng transport holiday na pina­ngunahan ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators nationwide (Piston), labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) at ibat ibang Peoples organization ang mga biyahe ng jeep sa Metro Manila at ilang lalawigan sa bansa.

Sa Metro Manila, 100 percent na napilay ang biyahe ng mga pampasaherong jeep sa  Makati,  MCU Sta. Cruz, Maynila, Gasak, Navotas at Pasay Pier, Maynila gayundin sa Novaliches-Malinta via Gen. Luis Valenzuela- Caloocan at Malabon-Navotas-Monumento  pati na rin ang ruta sa Sucat-Evacom  Parañaque.

Ninety percent namang paralisado ang biyahe sa rutang  Malanday - Recto,Retiro, Fairview, Dapitan-Pier via Anda circle, Zapote-Paliparan-Alabang at Marikina at Quezon City.

Walumput-limang porsi­yento namang para­lisado ang biyahe ng jeep sa rutang Novaliches-Blumentrit at 70 percent sa rutang Salawag-Paliparan.

Sa Pampanga ay 100 percent ding paralisado ang biyahe sa San Fernando, Guagua, Bacolor, Mexico, Arayat, Angeles City, Macabebe, Masantol at  Minalin.

Samantala, 95 percent namang paralisado ang biyahe sa Rizal partikular sa Tikling, Binangonan, Antipolo, Taytay, Sta. Lucia puntang Crossing.

Siyamnapu’t-limang porsiyento percent namang para­lisado ang biyahe sa Laguna .

Binigyang diin ni Piston President Goerge San Mateo, national president ng piston na patuloy ang kanilang tigil -pasada  ngayong Martes upang patuloy na igiit sa pamahalaan na ibasura ang planong pag-phase-out ng passenger jeepney sa bansa.

Anya, milyong Pilipino ang mawawalan ng kabuhayan oras na alisin ng pamahalaan ang mga pampasaherog jeep sa kalsada.

Binigyang diin ni San Mateo na tutol ang kanilang hanay na ipalit sa jeepney  phase-out ang mga bagong unit na milyones ang halaga na hindi kakayanin ng maliliit na operator ng jeep sa bansa. (Angie dela Cruz, Lordeth B. Bonilla at Danilo Garcia)

‘Di naparalisa- LTFRB, MMDA

Maliit na porsiyento lamang o nasa   1,140 mga commuters ang na-stranded sa isinagawang tigil-pasada kahapon ng transport group. 

Base ito sa isinagawang monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Edward Gonzales,  MMDA Rescue Emergency Group head, sa 74  pribado at pampublikong behikulong idineploy,  27 lamang ang nakapagsakay dahil ang ibang commuters  ay sumakay na lamang ng ferry, na karamihan ay nag-uopisina sa mga pribadong tanggapan. 

Taliwas ito sa pahayag ng transport group sa pangunguna ng PISTON  na malaking porsiyento sa Metro Manila ang naapektuhan sa kanilang strike.

Ayon kay Gonzales sa 10 milyong  commuters, nasa .011 porsiyento lang ang naapektuhan ng isinagawang tigil-pasada ng transport group. 

Wala aniyang gaanong naapektuhan dahil walang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno. 

Samantala, sa kabila ng konting girian, naging mapayapa ang inilunsad na tigil pasada ng transport groups sa Metro Manila.

Ito ang inisyal na assessment ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga lugar sa Metro Manila na apektado ng tigil pasada.

Sa monitoring ng PNP, sinabi ni Supt. Vermelee Madrid, Deputy Spokesperon ng Public Information Office (PIO) ng PNP, nasa kabuuang 1,011 drivers lamang sa buong bansa na mayorya ay sa National Capital Region (NCR) ang lumahok sa tigil pasada.

Kahapon personal na naglibot si NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde sa mga lugar na pinagdarausan ng tigil-pasada at pinakiusapan ang mga nagsisipagprotesta na huwag humarang sa gitna ng kalsada upang hindi maabala ang mga motorista.

“So far it’s peaceful , we are continuously monitoring the situation “, ani Albayalde.

“Hayaan lang naman sila na magpro­testa. Wala tayong problema doon. Ang problema lang natin ay ‘yung complaint ng ating mga kababayan na ang buong kalsada ay hinaharang nila na mangilan-ngilan lang naman sila pero para harangin ‘yung buong kalsada, hindi rin naman tama ‘yun,” ayon kay Albayalde. (Lordeth Bonilla, Mer Layson at Joy Cantos)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with