^

Metro

Kano kalaboso sa panghihipo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang Ame-rikano matapos manghipo umano ng hita ng isang babae na kanyang nakatabi sa loob ng sinehan sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang Amerikano na si Joseph Martin McMillan, 31-anyos at anim na bu­wan nang nasa bansa.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit, dakong ala-6:00 ng gabi habang nasa loob ng sinehan sa isang mall sa Barangay Bagong Pag-asa ang suspek katabi ang hindi na pinanga­lanang biktima kasama ang kanyang mister na nasa kabilang upuan nang hipuan umano ang hita ng babae.

Nagpalitan ng upuan ang mag-asawa ngunit isang komosyon ang nagsimula matapos utusan ng asawang lalaki si McMillan na alisin nito ang braso sa kanyang chair.

Ayon sa mag-asawa, la-sing at imbes na alisin ang kanyang braso ay sinuntok nito ang asawang lalaki.

Dinala si McMillan sa QCPD Station 2 at inilipat sa QCPD headquartes sa Camp Caringal.

Itinanggi naman ng Amerikano ang alegasyon na minolestiya niya ang babae at iginiit na hindi siya nakainom ng alak nang mangyari ang insidente. Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness and physical injuries ang kano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with