^

Metro

Nene niluray ng delivery boy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinamantala ng  isang delivery boy ng purified water na walang ibang tao sa bahay ng isa nilang kustomer nang umano’y kaniyang gahasain ang isang  pitong taong gulang na batang babae kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa kasong “statutory rape” ang suspek na si Vincent Amor, 36-anyos, stay-in sa pinapasukang purified water store sa may Brgy. 12, ng naturang lungsod.  Ito ay makaraang positibo siyang kilalanin ng paslit na biktima na itinago sa pangalang “Nene”.

Sa ulat ng Caloocan City Police-Women and Children Pro­tection Desk (WCPD), nagdeliber ng tubig ang suspek sa bahay ng biktima dakong alas-5:00 kamakalawa ng hapon ngunit walang naabutang ibang tao sa bahay maliban sa batang si Nene.

Pinapasok naman ng bata sa bahay ang suspek dahil sa kakilala siya na laging naghahatid ng inuming tubig.  Pagkalapag ng tubig, dito na umano inumpisahang molestiyahin ng suspek ang bata at tuluyang naluray saka mabilis na tumakas nang maisakatuparan ang pagnanasa.

Nang dumating ang mga magulang ng bata, agad na isinumbong ng biktima ang ginawa sa kanya ng suspek.  Walang inaksayang oras ang mga magulang ng biktima na agad nagsuplong sa pulisya.  Dito na nadakip ang suspek sa kanyang tinutuluyan.

Tahasan namang itinanggi ng suspek ang ibinibintang sa kanya ng bata ngunit tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with