^

Metro

Daang pamilya na natamaan ng SLEX-NLEX skyway ni-relocate

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit sa 100 nang pamil­ya na naninirahan sa mga kalsada na tinamaan ng konstruksyon ng NLEX-SLEX Connector Skyway ang inilikas ng pamahalaang lungsod ng Caloocan para sa mapabilis ang proyekto.

Sa datos ng pamahala- ang lungsod, nauna nang ini­likas nitong Oktubre 5 ang 25 pamilya buhat sa Brgy. 56 na nasundan ng 36 pamilya buhat rin sa naturang bara-ngay nitong Oktubre 11. Nitong Ok­tubre 12, nasa 60 namang pamilya buhat sa Brgy. 49 ang panibagong inilikas.

Inirelocate ang mga apek­tadong pamilya sa “relocation site” ng National Housing Authority (NHA) sa Norzagaray, Bulacan habang ilan ay binigyan ng bagong taha­nan sa “condo-type relocation building” na proyekto ng pa­mahalaang lungsod ng Caloocan ng sa Camarin sa North Caloocan.

Sinabi ni Mayor Oscar Malapitan na pumayag naman ang mga pamilya na mai-relocate para sa kanilang kaligtasan habang tiniyak ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaang lungsod sa mga residente at mula sa National Housing Authority (NHA).

Ang NLEX-SLEX Connector Skyway ay proyekto ng Department of Public Works and Highways na ginastusan ng P23.3 bilyon at magkakabit sa NLEX at SLEX para sa mas mabilis na biyahe mula Norte patungong Katimugang Luzon habang lalaktawan ang matrapik na mga kalsada ng Metro Manila. Inasahang matatapos ang proyekto sa taong 2021.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with