^

Metro

Operator ng UV express todas sa riding-in-tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang operator ng UV express matapos na siya ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Matias Cuya, 53, may-asawa, nakatira sa No.13 Block A,  Sto. Niño St., Brgy. San Antonio sa naturang lungsod.

Nabatid mula kay PO3 George Caculba na, dakong alas-10:20 ng gabi habang nakatayo ang biktima malapit sa kanyang sasakyan, nang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Nilapitan ng dalawa ang  biktima at walang sabi-sabing binaril sa ulo at katawan na nagresulta ng kanyang on-the-spot na kamatayan.

Ayon sa isang kaibigan ng biktima, kasalukuyan chairman ng kooperatiba ng UV express sa isang mall sa Quezon City si Cuya at dati rin itong taxi driver na nagkaroon ng katungkulan sa isang asosasyon naman ng mga taxi driver.

Inamin ng kaibigan ng biktima na “may mabigat at malalim na dahilan” kung bakit nangyari ang insidente ngunit tumanggi itong ide-talye at ipaliwanag ang kanyang nalalaman sa likod ng naturang insidente.

Walang CCTV sa pinangyarihan ng krimen at  tikom ang  bibig ng mga residente, ngunit sinabing mabait at walang kaaway ang biktima sa kanilang lugar.

Hinihinala ng pulsiya na may kinalaman sa pagi-ging opisyal ng biktima sa kanilang asosasyon kaya ito pinaslang.

Gayunman, nagsasagawa parin ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Quezon City police para mabatid ang tunay na motibo ng krimen at madakip ang dalawang salarin.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with