^

Metro

Helium gas sumiklab, 8 pamilya nawalan ng bahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa walong pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan makaraang matupok ng isang sunog na sumiklab dahil sa sumingaw na “helium gas” na gamit sa lobo buhat sa isang party-needs shop sa Malabon City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-10:53 ng umaga nang sumiklab    ang apoy buhat sa C Party Needs and Catering shop sa may Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos. Agad na kumalat    ang apoy sa katabing limang magkakadikit na bahay.

Tatlo katao naman ang sugatan sa insidente kabilang na si Arlene Hepelano na nagtamo ng mga paso, Argel Pilar na sugatan sa paa makaraang tumulong sa pag-apula sa apoy at si Solorita Ugasa na nagtamo ng pinsala sa balakang nang tumalon buhat sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nag-ugat ang pagsiklab ng apoy buhat sa tagas sa “helium tank” buhat sa party needs store.  Ginagamit ang helium para mapalipad ang mga lobo.  Umabot umano ang tagas sa katabing bahay na may nag­luluto sanhi para sumiklab ito at tuluyang kumalat.

Tinataya naman na aabot sa P70,000 ang halaga ng mga ari-arian na napinsala habang inaalam ng mga arson inves-tigators ang posibleng pananagutan ng may-ari ng naturang party store.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with