PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

OFW inaresto sa ere: Ninakawan kapwa pasahero

MANILA, Philippines — Inaresto ng Air Marshall ng Saudia Airline flight SV-860 ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) habang nasa ere may apat na oras pa ang layo bago ito lumapag sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, matapos itong mahuling ninakaw ang pera ng kanyang katabing pasahero sa upuan habang nasa himpapawid.

Nasa kustodiya ng Airport Police Department ang sinasabing suspect na isang alyas Lorena Cancino ng Pangasinan.

Inireklamo ang suspect ng mga biktima na sina Rohena Mangomma Talib, 29 at Sitti Shaima Mangomma Talib, 31, flight crew ng nasabing aircraft.

Base sa reklamo ni Rohena, nagulat siya ng mabilis na tumayo ang suspect at nagtungo sa banyo ng eroplano kaya naman kinapa niya ang kanyang bulsa at napansin na wala na ang pouch niya na naglalaman ng US$900.00.

Ayon sa biktima, pinakiramdaman niya ang suspect at pagkatapos ay pumasok siya sa banyo at nakita sa basurahan ang kanyang pouch pero wala ng laman.

Sabi ng biktima, nakita ang mga pera niya na nakapatong sa bulsa ng upuan ng eroplano, sa ilalim ng unan at sa waste cart na nakabalot nang tissue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, pinauwi ang suspect ng kanyang Saudi employer dahil ninakawan na rin umano ito doon imbes na ipakulong ay pinauwi na lamang ito sa bansa.

Ang suspect ay sinampahan ng kasong theft sa Pasay City Prosecutor’s Office.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: