PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Brgy. official natagpuang patay sa loob ng apartelle

MANILA, Philippines — Isang ginang na imbestigador sa kanilang barangay ang natagpuang hubo’t-hubad at wala nang buhay sa loob ng isang apartelle sa Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Girlie Villahermosa, 49, imbestigador ng Violence Against Women and Children Desk (VAWC) sa kanilang ba- ­r­angay na nakatira sa Lot 13, Block 2 Country Homes, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Sa pahayag ni Christian Jay Palilan, bellboy ng Diliman Apartelle, may kasamang lalaki ang biktima nang mag-check in dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Makalipas ang isang oras ay umalis ang lalaki at sina-bing maninigarilyo lang sa labas, pero hindi na bumalik.

Dakong alas-4:00 ng uma­­ga, kinatok ng mga tauhan ng apartelle ang kuwarto ng biktima para tanungin kung mag-extend ng oras o mag-overtime ng renta, pero walang sumasagot.

Napilitang buksan ang  kuwarto kung saan tumambad ang bangkay ng babae sa kama na nakahubad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bumubula ang bibig ng biktima, pero hindi pa batid ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng kamatayan nito.

Lumitaw din sa inisyal na pagsisiyasat na hindi pinagnakawan ang biktima dahil hindi tinangay ang kanyang wallet na naglalaman ng pera, PC tablet at iba pang gamit.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang lala-king kasama ng ginang na nag-check-in sa nasabing apartelle.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: