^

Metro

13-anyos binatilyo itinumba ng tandem

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 13-anyos na binatilyo na hinihinalang napagkamalan lamang matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pasay City kama­kalwa ng hapon.              

Sanhi ng dalawang  tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .45 baril, hindi na umabot nang buhay nang idating sa isang ospital ang biktimang si Jayross Brondial.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.

Sa report ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon sa labas ng bahay ng biktima sa panulukan ng Tramo at Inocencio Sts., Brgy. 104 ng naturang siyudad.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, nabatid na nakaupo ang binatilyo sa labas ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang motorsiklong hindi naplakahan at sakay ang mga suspek at agad na pinagbabaril ang binatilyo.

Nagawa pa nitong ma­kapaglakad ng ilang hakbang bago ito tumumba, na muli itong pinutukan ng mga suspek at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Ayon sa ilang saksi, posibleng biktima ng “mistaken identity” o napagkamalan lamang ito ng mga gunmen na sangkot droga.

Dahil kamakailan, bago ang pamamaril ng mga suspek, may mga pinaghahanap at pinagpaplanuhang itumba ang mga ito na ilang tulak at gumagamit ng droga sa naturang lugar, na nagtatago dahil sa labis na takot.

Na-recover ng pulis­ya ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 baril sa pinangyarihan at patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with