^

Metro

Tigil-pasada: 6,000 pasahero stranded

Pilipino Star Ngayon
 Tigil-pasada: 6,000 pasahero stranded

Daan-daang pasahero ang na-stranded sa unang araw ng tigil-pasada na ikinasa ng Stop and Go transport coalition sa Commonwealth Ave. sa Quezon City kahapon. Boy Santos
 

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa halos anim na libong pasahero ang na-stranded sa unang araw na arangkada ng tigil-pasada na ikinasa ng transport group na Stop and Go Coalition kahapon.

Ito ang naging assessment ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ng ibang law en­force­­ment agency sa bansa base na rin sa ulat ng ka­nilang mga tao sa field na nagbantay at nag-monitor ng kaganapan sa tigil-pa­sada.

Ang nasabing bilang ay 0.3-percent lamang sa kabuuang sampung milyong PUJ riders, at hindi man lamang umabot ng isang porsyento.

Umabot naman sa 3,540 na mga pasahero ang nakasakay sa mga dinispatch na sasakyan ng gobyerno, habang ang iba pang mga pasahero ay nakasakay naman sa iba pang PUJ na hindi su­mama sa strike.

Nadatid na dakong alas-6:00 ng umaga nang simulan ng grupo ang kanilang kilos-protesta, na nagresulta sa pagkakansela ng klase ng ilang paaralan sa Metro Manila.

Bahagya lamang naramdaman ang transport strike sa lugar ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) dahil sa pagpasada pa rin ng maraming tsuper ng jeep at dahil na rin sa ibinigay na libreng sakay ng mga lokal na pamahalaan.

Sa Monumento, Caloocan, pumasada pa rin ang maraming mga tsuper ng jeep mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang sa simula ng tigil-pasada dakong alas-6:00 ng umaga.

Nagbanta naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kakanselahin ng ahensiya ang lahat ng mga passenger vehicles na nakiisa sa malawakang transport holiday. Ayon kay Atty. Aileen Lizada, spokesperson at board member ng LTFRB, hindi sila mangingiming parusahan ang mga nagsagawa ng tigil-pasada dahil isa ito umanong paglabag sa kanilang prankisa.

Niliwanag naman ni Jun Magno, Presidente ng Stop and Go na karapatan nila ang magsagawa ng tigil-pasada dahil ito ay kanilang freedom of expression na layuning ipabatid sa pamahalaan ang pagtutol ng kanilang hanay sa jeepey phase out.

Hindi naman nakiisa sa transport strike ang mga grupong Pasang Masda, Acto, Altodap,Fejodap at LTOP dahil suportado umano nila ang ginagawang modernization program ng pamahalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with