^

Metro

Tricycle driver, tigok sa tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang tricycle driver habang namamasada sa Brgy. Hulo, Mandaluyong City kamakalawa.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, alas-5:45 ng hapon kamakalawa nang maganap ang pagpatay sa biktimang si Jade Manuel, 26, residente ng 701 Coronado St. sa Brgy. Hulo.

Noo’y namamasada ang biktima sa Makati-Man-da­luyong Bridge sa Brgy. Hulo sakay ng kanyang tricycle nang abangan siya ng mga suspek at kaagad na pinagbabaril, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis nang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Makati City.

Blangko pa naman ang mga awtoridad kung sino ang posibleng may kagagawan ng krimen at sa motibo nang pagpatay sa biktima, lalo na at hindi naman umano kabilang sa drug watchlist ng barangay at ng pulisya.

Paniniwala naman ng pamilya nito na posibleng mistaken identity ang nangyari dahil wala umano silang alam na kaaway ang biktima, na kilala sa pagiging masipag sa paghahanap-buhay at tumutulong pa sa pagpa­paaral ng kanyang mga pinsan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with