^

Metro

Holdaper todas sa shootout

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hindi pa kilalang holdaper ang namatay nang makorner at makipagbarilan sa mga humahabol na mobile patrol policemen sa Malate, Maynila, kahapon ng mada-ling araw.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila subalit idinek-larang dead on arrival ang suspek na wala pang pagkakakilanlan at armado ng baril na nakasuot lamang ng sando na kulay itim at maong na pantalon.

Sa inisyal na ulat ni  Elpi­dio Ammogawen Jr. ng Manila Police District-Station 9, dakong alas 2:45 ng mada­ling araw kahapon nang humingi ng saklolo sa kanila ang isang baba­eng emple­yado ng Manila  Grand Opera Hotel and Casino na nata-ngayan ng isang cellphone at cash sa erya ng Malate.

Nilapitan umano ng  suspek ang biktimang si Tricia Dizon, residente ng Parola Compound, Tondo habang nag-aabang ng masasak-yan at tinutukan saka nagdeklara ng holdap. Agad na umalis ang suspek.

Nakita ni Dizon ang nagpapatrulyang mga pulis at nagsumbong saka hinabol at ituro ang suspek.

Nang namataan ang suspek na naglalakad sa kahabaan ng Mabini St. malapit sa panulukan ng Quirino Ave., nilapitan ito ng mga pulis at sa halip na sumuko ay bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Napilitang gantihan ng putok ang suspek na tina­ma-an at agad na humandu­say.

Sinubukan pang isalba nang dalhin sa kalapit na pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay. 

Narekober sa suspek ang kulay puting Samsung cellphone at coin purse na may P200 cash na pag-aari ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with