^

Metro

Obrero hulog sa gusali, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang obrero ang patay nang mawalan ng balanse at mahulog mula sa ikalawang palapag nang ginagawa nilang gusali sa loob ng Ateneo De Manila University sa Brgy. Loyola Heights, Quezon City kamakalawa.

Tinangka pa ng mga doktor ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) na isalba ang buhay ng biktimang si Danilo Maala, 37, ng Italian Village, Brgy. Mabato, San Fernando, Pampanga, ngunit binawian rin ng buhay dakong alas-6:05 ng gabi kamakalawa dahil sa matinding pinsalang tinamo nito sa ulo at katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alvin Quisumbing ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QPCD), nabatid na dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente kamakalawa sa loob ng nabanggit na unibersidad.

Nasa ikalawang palapag umano nang ginagawang International Residence Hall sa Cervini Fields ang biktima at inaalis ang chain block ng beam nang mawalan ito ng balanse kaya’t aksidenteng nahulog sa unang palapag.

Kaagad namang rumesponde ang Ateneo Medical team at isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian rin ng buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with