^

Metro

Sa nalalapit na Kapaskuhan clearing operations isasagawa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa nalalapit na Kapaskuhan, inatasan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Task Force Manila Cleanup (TFMC) na isagawa na ang clearing operation sa mga pangu­nahing commercial centers sa lungsod. 

Inaasahang tataas ang bilang ng mga Christmas shoppers sa lungsod mula isang milyon kada araw noong 2016 hanggang 1.5 milyon ngayong taon.

Kasunod nito ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

Inatasan ni Estrada si TFMC chief Che Borromeo na pangunahan ang mas pinaigting na cleanup at road clearing mula ngayong Setyembre.

Ayon kay Borromeo, inaasahan nilang tataas ito hanggang 1.5 milyon, lalo na sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Umaabot naman sa 100 kagawad ng City Hall ang naglilinis sa Divisoria araw-araw mula alas-4 ng umaga.

Dahil sa inaasahang mas maraming basura sa Kapas-kuhan, dadagdagan aniya nila ang ginagamit nilang dump trucks hanggang 20 kada araw, mula sa kasalukuyang 10 hanggang 12, upang mas mapabilis ang paghahakot ng basura sa Divisoria.

Ilan sa mga “traffic prone” na kalye sa Divisoria nga-yong panahon ng Kapaskuhan ay ang Recto, Abad Santos, Asuncion, Soler, Juan Luna, Ilaya, Tabora, Sto. Cristo at Carmen Planas, ayon kay Borromeo.

Pinayuhan niya ang publiko na maging maingat laban sa mga kawatan at mandurukot na namamayagpag tuwing Pasko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with