^

Metro

Hero’s burial sa pulis-Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyan ng hero’s burial ang pulis-Caloocan na nasawi sa pakikipagbarilan sa isang drug at gun-for-hire suspect sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kamakalawa.

Bago ang paghahatid sa himlayan kay PO3 Junior Hilario, binigyan siya ng Lapulapu Kalasag Medal Award mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita siya sa burol ng pulis.

Binigyan rin siya ng posthumous promotion ng Northern Police District bukod pa sa Medalya ng Kagitingan na iginawad ni National Capital Regional Police Office chief, P/Director Oscar Albayalde.

Nagkaloob rin si Mayor Oscar Malapitan ng P50,000 tulong pinansyal sa mga naulilang pamilya ng pulis at trabaho sa isa sa anak ni Hilario.

Matatandaan na mada­ling araw noong  Setyembre 8, nang magsagawa ng ope­rasyon ang mga tauhan ng Caloocan City Police laban sa isang Jayson Dela Cruz na umano ay miyembro ng isang kilabot na gun for hire group na sangkot din sa ilegal na droga sa Brgy. 175 Camarin.

Mismong si Hilario ang nagbukas ng pintuan ng bahay ngunit sinalubong siya ng putok ng baril buhat sa suspek. Napaslang rin ng mga kasamahan ni Hilario ang naturang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with