^

Metro

Drug operations sa QC: 13 huli

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Huli sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 13 katao na kinabibilangan ng apat na babae at 9 na lalaki na sinasabing ‘tulak’ at gumagamit ng ilegal na droga sa isinasagawang sunud-sunod na buy bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga nadakip na sina Annalie Makabenta, 31; Anna Marie Apostol, 48; Lilia Fernandez, 46; Anna Marie Escorial, 22; Armando Arrieta, 44; Joel Arrieta, 36; Jhan-Jhan Aballar, 24; Eusebio Espinosa, 44; Michael Salom,33; Eric Carlos, 42; Edwin Cruz, 49; Calos Calub, 44 at Raul Villar, 48. 

Ang 13 ay naaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City, sa isinagawang drug operations dakong ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng mada­ling araw  bunsod na rin ng reklamo ng mga residente na nakikipagtulungan sa pulisya.

Ayon kay Eleazar, hindi sila titigil hanggang hindi nauubos ang mga salot na  tulak ng droga sa kanyang nasasakupan.

Aniya, araw-araw ay nagsasagawa ng drug bust operation ang kanyang mga tauhan at marami parin ang nadakip, dahil ayaw pang tumigil sa bawal na gawain ang mga drug pusher.

Nakumpiska sa mga nada­kip ang tinatayang nasa 250,000 halaga ng droga at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Inihahanda na ang pagsa­sampa ng kasong drug pushing laban sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with