^

Metro

2 rookie cops tiklo sa kotong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang mga bagitong pulis kabilang ang isang kababalik lamang sa serbisyo ang inaresto ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) matapos na ireklamo ng extortion sa isinagawang entrapment operation sa Pasay City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Chief Inspector Jewel Nicanor, Spokesperson ng CITF ang mga inarestong suspect na sina PO1 Leomer Redondo Suarez, 28, nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na kababalik lamang sa serbisyo matapos na mag-AWOL at PO1 Allan Madrigal Cabañero, 35, nasa AWOL status na umaapela namang makabalik sa PNP.

Bandang alas-9 ng gabi, ayon kay Nicanor nang magsagawa ng entrapment operation ang CITF operatives sa bisinidad ng isang fastfood sa Pasay City laban sa dalawang pasaway na parak.

Sinabi ni Nicanor na isang lalaki na inakusahan ng pangmo-molestiya ng ka-board mate nitong babae noong Agosto 18 matapos ang isang inuman ang umano’y binablack-mail ng dalawang suspect. Hini-hingan umano ang hindi na pinangalanang lalaki ng P 200,000.00 kapalit ng hindi na pagsasampa ng kasong sexual harassment at acts of lasciviousness ng lady accuser nito na nakipagsabwatan sa nasabing mga pulis na pinalabas na pinsan niya si PO1 Suarez.

 Dahilan masyado umanong malaki ang hinihinging pang-areglo ay nagkatawaran at naibaba sa P50,000.00 na huhulugan ng P10,000 kada buwan kung saan pinuwersa siyang gumawa ng promisory note.

Napilitan namang dumulog sa pulisya ang nasabing lalaki at agad ikinasa ang entrapment operation laban sa naturang mga parak na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito sa aktong tinatanggap ang mark money.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na kakilala ng nasabing babae si Suarez na nilapitan nito para kotongan ang sinasabing nangmolestiya sa kanyang ka-boardmate. Samantalang isinama naman ni Suarez si Cabanero sa pangongotong sa nasabing biktima.

Base sa rekord ng NCRPO nag-AWOL si Suarez noong Agosto 2014, habang si Cabañero ay noong Disyembre 24, 2014; kung saan ang mga ito ay na-recruit ng NCRPO  noong 2012.

Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng PNP-CITF sa Camp Crame ang dalawang parak habang iniimbestigahan rin ang babaeng kasabwat ng mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with