^

Metro

Solvent boy dedo sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 34-anyos na tricycle driver nang pagbabarilin ng riding in tandem sa loob ng nakaparadang tricycle sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay sa loob mismo ng tricycle ang biktimang kinilalang si Kennedy Bonilla, miyembro ng Commando Gang, residente ng San Bartolome St., Tondo, dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Bartolome at Zaragosa Sts., Tondo.

Nabatid mula sa nakitang footage ng Brgy. 25, Zone 2, District 1, bigla na lamang huminto ang isang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang hindi kilalang lalaki, bumaba ang backrider na nakasuot ng light-colored hooded jacket at bumunot ng baril bago pinaputukan ng ilang beses ang biktima.

Nang matiyak na napuruhan ay sumakay muli sa motorsiklo at pinasibad na ng kasabwat na driver sa direksiyon ng R10.

Sa beripikasyon ng pulisya, ang suspek umano ay pasa­way sa kanilang lugar dahil lulong umano sa paggamit ng solvent at labas-masok na rin sa kulungan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with