^

Metro

Taxi driver na ‘hinoldap’ nina Carl, ‘Kulot’, suspect na rin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunsod ng pabago-ba­­gong pahayag, isinama na sa listahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II bilang primary suspect si Tomas Bagcal, ang taxi driver na nagsabing hinoldap umano siya nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman, alyas Kulot bago napatay ng mga pulis.

Ayon kay Aguirre sinampahan ng kaso si Bagcal matapos nitong baguhin ang kanyang naunang pahayag at sabihing kutsilyo ang ginamit nina Arnaiz at De Guzman sa panghoholdap.

Unang sinabi ni Bagcal na may dala umanong baril si Arnaiz ng gabing mapatay ito.

Nagpabago-bago ang salaysay ni Bagcal matapos lumutang ang isang bagong testigo na nakita umanong magkakasama sina Arnaiz, Kulot, Bagcal at ang mga pulis-Caloocan.

Ayon sa testigo, sakay ni Bagcal sa harapan si PO1 Jefrey Perez, at sa likod naman ng taxi ay magkatabi sina De Guzman at Arnaiz.

Ilang saglit ay nakarinig na raw ang testigo ng dalawang putok ng baril.

Nang sundan niya ang pinanggalingan ng putok, nakita niyang may nakabu­lagta sa damuhan at nando­on din daw si Bagcal, Pe-rez, iba pang mga pulis na nakasibilyan at mga ba­ra­ngay tanod.

Giit ng testigo, handa siyang magsalita at tumulong sa imbestigasyon basta’t mabibigyan siya ng seguridad.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with