^

Metro

300 pulis idinestino sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang punan ang kakulangan sa puwersa dulot ng malakihang sibakan, nasa 300 pulis buhat sa Malabon, Navotas at Valenzuela ang inilipat sa Caloocan City Police kahapon.

Pinamahalaan ni Nor-thern Police District (NPD) Director, Chief Supt. Amando Clifton Empiso ang send-off sa 300 mga pulis at inata- san na gampanan ng buong katapatan ang tungkulin.

Sinabi ni Empiso na ang paglilipat ng kanilang mga tauhan ay isang polisiya ng pambansang pulisya na maging mga matataas na opisyal ay maaaring malipat ng assignment anumang araw.

“Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ngayon ng Caloocan City Police, ma-ging instrumento kayo ng pag­babago, ng magandang pagbabago,” bilin ni Empiso sa mga pulis.

Sa pagdating ng mga bagong talagang pulis, ipina­liwanag sa kanila na maitatalaga sila sa isa sa pitong Police Community Precincts kabilang ang PCP 2, 4 at 7 na sangkot sa mga kontro-bersya.

Sinabihan rin ang mga bagong pulis na hindi pinapayagan ang pamimili ng kanilang assignments at unahin muna ang pagtatrabaho.

Inaasahang higit sa 1,000 pulis ang tatanggalin sa Caloocan Police kung saan inuna na ang mga tauhan ng PCP 2, 4 at 7.

Bukod sa 300 naunang mga pulis, hinihintay pa rin ang dagdag pang tauhan buhat sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) at ang naiulat na posibleng mga miyembro ng Davao City Police.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with