^

Metro

Kasong rape vs Vhong Navarro, ibinasura

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Department of Justice ang kasong rape at attempted rape na inihain ng model at aktres na si Deniece Cornejo laban sa comedian at host na si Vhong Navarro.

Batay sa resolution ng DOJ na may petsang Setyembre 6, walang probable cause o malinaw na dahilan upang ituloy ang kaso laban kay Navarro.

Lumilitaw sa resolution na pirmado ni OIC Prosecutor General Severino Gaña Jr. na sinuri nila isa-isa ang inihaing ebi­­densiya ng kampo ni Cornejo subalit  wala silang makita na naganap ang panggagahasa.

Matatandaang inakusahan ni Cornejo si Navarro ng pangmomolestiya noong Enero 17, 2014 at makalipas ang limang araw Ene­ro 22, 2014, binugbog naman ang huli ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee. Si Navarro ay nagtamo ng mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa salaysay ni Lee inamin nito na binugbog nila si Navarro nang mahuli nila itong ginagahasa si Cornejo.

Itinanggi ni Navarro ang alegasyon at nagsampa naman ito ng kaso sa Taguig City court ng serious illegal detention at grave coercion laban kina  Cornejo, Lee, at limang iba pa bunsod ng mauling incident.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with