^

Metro

Mister patay sa gulpi ng bodyguards ni ‘Atong Ang’

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Hindi nagbayad sa utang sa sabong

MANILA, Philippines — Isang mister na sinasabing napatay sa gulpi ng  uma­no’y mga bodyguard ng isang alyas Atong Ang matapos umanong hindi magbayad sa utang nito sa sabong na nagkakahalaga ng P30,000.00 na naganap sa loob ng comfort room ng Resorts World Manila  sa Pasay City Police na iniulat kahapon.

Dead on arrival nang isugod sa Protacio Hospital sa Parañaque City ang biktimang si Benjamin Quijano Jr., 35, nakatira sa  Talisay St., Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng mga bodyguard ni Ang, na siya umanong responsable sa panggugulpi sa biktima.

Sa report na isinumite sa tanggapan ni Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., director ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente mula alas-9:40 ng gabi (Setyembre 18) hanggang alas-5:30 ng umaga (Setyembre 19) sa loob ng comfort room ng Newport Performing Arts Theater,  Resorts World Manila, Brgy. Villamor, Pasay City.

Sa pahayag ng misis ng biktima na si Josephine, 45, nakatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa kaibigan ng kanyang mister na si alyas Cezar na ginulpi aniya ito ng mga bodyguard ng isang alyas Atong Ang dahil umano sa hindi nabayarang utang   sa sabong na nagkakahalaga  ng P30,000.00.

Kung kaya’t ayon kay Josephine, siya at ang kanyang 17-anyos na anak na babae ay kaagad na nagtungo sa naturang hotel casino upang alamin ang nangyari sa ka­nilang padre de  pamilya.

Sinabi ni Josephine, pagdating nila ng Resorts World,  dito na siya sinabihan ng     isa sa mga body guard ni  Ang na hindi aniya ito nagbayad ng kanyang utang.

Ayon sa ginang na siya naman ang sinisingil nito, na mag-produce aniya ito ng naturang halaga para makapagbayad ng utang ng kanyang mister, subalit nagmakaawa siya dito na wala siyang ganung halaga at nais niyang makita ang kalagayan ng kanyang mister.

Ngunit tumanggi ang isa sa mga bodyguard at alas-5:30 ng umaga, dumating si  Ang sa naturang hotel casino at inutusan umano nito ang kanyang mga bodyguard, na mula sa comfort room ay dalhin sa isang kuwarto  ang biktima.

Dito na nakita ni Josephine ang lupaypay na  mister at  kaagad itong tumawag ng taxi hanggang sa dinala ito sa naturang ospital, su-balit idineklara itong DOA.

Sa ngayon ay nagsasa­gawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with