^

Metro

Magkapatid na paslit, nasagip: Ikinulong sa dog cage

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nailigtas ng mga tauhan ng Malabon City Police at City Social Welfare and Development Office sa pagkakakulong ang magka­patid na lalaki na may edad tatlo at limang taon, kahapon ng umaga.

Inaresto naman ng pulis­ya ang mga magulang ng mga paslit na sina Roberto Acosta at Joana Macalisang, na kapwa nahaharap ngayon sa kasong pagla-bag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Ayon kay Bong Padua, information officer ng Malabon City Hall, dakong alas-9 ng umaga nang isagawa ang rescue operation sa bahay ng mga biktima sa Lapu-Lapu Street sa Brgy. Longos. May 500 metro lamang umano ang layo ng bahay sa barangay hall.

Nabatid na kapwa malnourished na ang magkapatid nang masagip ng mga awtoridad. Natagpuan ang 5-taong gulang na bata na nakakandado sa isang maliit na dog cage habang ang kapatid na 3-anyos ay ikinulong naman sa isang maliit na kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay.

Nang malaman ang ope­rasyon ng mga awtoridad, nagtungo ang mga magulang na sina Acosta at Macali-sang sa tanggapan ng CSWD kung saan sila inaresto.

Nabatid na magkahiwa­lay na ang dalawa nang layasan ng babae ang ama ng mga bata upang su­mama sa ibang lalaki. Sinabi naman ni Acosta na iniiwan niya ang mga anak sa kanyang biyenan na si Delfrado Macalisang kapag pumapasok siya sa trabaho.

Sinabi naman ni Delfra­do na lumapit na siya sa mga opisyal ng kanilang barangay para matulungan ang mga bata ngunit walang aksyon umano ang mga ito. Nailigtas lamang ang mga bata nang isang concerned citizen ang humingi ng saklolo sa CSWD.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with