PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Killer ng mga police asset, arestado

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng Northern Police District (NPD) sa isang buy-bust operation sa Valenzuela City ang isang miyembro ng sindikato ng iligal na droga na umamin na pumatay ng apat na pinaghihinalaang mga police asset sa Caloocan City.

Kinilala ni NPD Drug Enforcement Unit chief, P/Sr. Insp. Cecilio Tomas Jr., ang suspek­ na si Mark Montes, alyas Em-Em, 21, binata, at kasaluku­yang na­ninirahan sa San Fran­cisco Street, Brgy. Vente Reales, Valenzuela City.

Sa inisyal na ulat, nadakip si Montes sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa may MacArthur Highway, Brgy. Ma­rulas, Valenzuela dakong alas-2 ng hapon nitong nakaraang Lunes. Apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa kanyang posesyon.

Nang isailalim sa background investigation, natuk­lasan­ nina Tomas na suspek si Montes sa pagpatay sa apat katao kabilang sa dalawang babae sa Caloocan North.  Sa isang footage ng closed circuit television camera, nakita pa si Montes na isa sa humihila sa isang bangkay ng babae sa Caloocan.

Ayon kay Tomas, mga pi­nag­hihinalaan nilang asset ng pulis o mga ‘tulak’ na hindi nakakapagremit ng kinita ang tinotodas ni Montes at kanyang mga kasamahan. Naging mainit na umano ang kanilang grupo sa Caloocan kaya lumipat naman sila ng operasyon sa Valen­zuela City.

 Inamin naman ni Montes ang pagpaslang sa mga police asset dahil sa ginugulo umano ang kanilang kabuhayan na inaasahan ng kanilang pamilya.  Inamin rin niya na target niya at ng isang alyas Anghel na patayin ang isang alyas Mia na nagti­tinda ng droga habang nag-aasset sa mga pulis na hindi na natuloy dahil sa naaresto na siya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bukod sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, nahaharap rin ngayon si Montes sa apat na bilang ng kasong murder sa piskalya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: