^

Metro

Number coding hindi suspendido

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi suspendido ang number coding ngayong araw na ito ng Huwebes, Setyembre 21 sa kabila na idineklara ito ni Pangu­long Rodrigo Duterte na ‘National Day of Protest’.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga sasakyang ang plaka ay nagtatapos sa 7 at 8 ay hindi papa­yagang bumiyahe sa mga lansangan.

Ang araw na ito ay idineklara ni Pangulong Duterte na National Day of Protest para bigyan daan ang mga grupong nais mag-rally kaugnay sa ika-45 anibersaryo ng Batas Militar.

Dahil dito, ang mga pasok sa paaralan at ilang tanggapan sa pamahalaan ay walang pasok.

Kaugnay nito,  kasado naman ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad ng pulisya sa Metro Manila para bantayan at pigilan ang anumang maaaring kaguluhang posibleng ihasik ng ilang masasamang elemento.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with