^

Metro

Drug bust: 2 kelot todas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Dalawang lalaki na hinihinalang ‘tulak’  ng droga  ang  nasawi  ma­tapos na manlaban sa pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Quiapo Maynila.

Dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang suspek na si Charlie Ivo Pentecostes, alyas Fredo 43, ng F. Torres cor. Recto Sta. Cruz at Roberto Ribot  Albao, 39, ng San Isidro Montalban, Rizal na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Roderick Magpale ng Manila Police District Homicide Section dakong alas-6:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa Basan Oscares Quiapo Maynila.

Nabatid na nagpanggap na bibili umano ng droga si PO1 Jason Odita ng MPD Barbosa ng halagang 200 pesos ng makahalata ang mga suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon at dito na bu­munot ng baril ang dalawa at nakipagpalitan ng putok sa pulisya na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Narekober sa dalawa ang 2 kalibre .38, apat na pirasong plastik na naglalaman ng shabu at dalawang pirasong one hundred pesos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with