PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mabilisang imbestigasyon, giit ng pamilya ng hazing victim

MANILA, Philippines — Mariing nanawagan ka­ha­pon ang pamilya ng freshman law student na si Horacio Tomas Castillo III  sa pamunuan  ng University of Santo Tomas (UST) at sa mga awtoridad, na magkaroon ng mabilisan at mabigyan ng katarungan ang   pagkamatay nito.

Alas-10:00 ng umaga nang ipasok ang mga labi ni Horacio o Atio sa chapel ng Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park Subdivision, Makati City.

Hindi pinapasok ang mga miyembro ng media ng pamilya matapos hilingin ng magulang ng biktima na sina Car­mina at Horacio Jr., na bigyan sila ng privacy sa kanilang pagluluksa.

“While the death of Atio is still under investigation, it is clear to us that Atio was killed by criminals from the Aegis Juris Fraternity in a blatant act of hazing. We are outraged that barbaric and criminal acts continue to be performed in the false name of brotherhood,” ayon sa pamilya Castillo sa pa­mamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Adelfa Villar.

Mariin nanindigan ang pa­milya Castillo, na hindi aniya sila titigil at gagawin nila ang lahat mabigyan lamang ng ka­tarungan ang pagkamatay ng kanilang anak.

Kinundina rin ng pamilya­ ang  Aegis Juris fraternity hinggil sa ginawa nito sa kanilang anak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“The Aegis Juris fraternity­ should not allow the acts of Atio’s killers to forever tarnish their reputation and define their character, lest they be deemed complicit in Atio’s murder,” sabi pa ng pamilya Castillo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: