^

Metro

Med Tech. ‘suspek’ na sa hazing

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Med Tech. �suspek� na sa hazing

Ayon kay MPD Spokesman Senior Supt. Erwin Marga­rejo, nakakaduda ang pahayag ni Solano na nakita niya ang na­kahandusay na biktima sa kanto ng Honorio Lopez Blvd. kanto ng Infanta Street Balut, Tondo, Maynila dakong alas-7:58 ng umaga kaya agad niya itong itinakbo sa CGH. File

Nagsugod sa victim sa ospital

MANILA, Philippines — Kabilang na sa ‘persons of interest’ ng Manila Police District ang  medical technologist  na si John Paul Solano na sinasabing nagdala sa hazing victim na si Horacio Castillo III, law student sa University of Sto. Tomas (UST) sa Chinese General Hospital.

Ayon kay MPD Spokesman Senior Supt. Erwin Marga­rejo, nakakaduda ang pahayag ni Solano na nakita niya ang na­kahandusay na biktima sa kanto ng Honorio Lopez Blvd. kanto ng Infanta Street Balut, Tondo, Maynila dakong alas-7:58 ng umaga kaya agad niya itong itinakbo sa CGH.

Naunang sinabi ni Solano na nadaanan niya ang nakabalot na lalaki sa isang kumot at nang tignan niya ay natuklasan ang agaw-buhay na biktima na may mga paso ng sigarilyo ang katawan at maraming patak ng kandila, habang namamaga ang katawan dahil sa sobrang pahirap na dinanas. Dinala pa umano ng isang motorista sa Chinese General Hospital pero idineklara itong dead on arrival.

Aniya, pinagdudahan nila ang pahayag ni Solano  matapos ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing lugar at sa mga may-ari ng tindahan na wala silang nakitang bangkay sa nabanggit na lugar noong Linggo ng umaga.

Ayon naman kay Brgy. Kagawad Daniel Sayson, mayroon kuha sa CCTV pero insidente ito ng pamamaril ng isang pahinante ng truck sa naturang lugar bandang 5:45 ng umaga hanggang inalis ang bangkay pasado 7 ng umaga. Aniya, pa­rang sadyang pinaikot-ikot ang mga labi ng biktima.

Kaugnay nito, ipinagtataka naman ng mga taga-Brgy 133 kung bakit sa Chinese Gen.Hospital dinala gayung malapit lamang ang Tondo General Hospital sa lugar.

Gayundin, natuklasan na miyembro rin umano si Solano ng Aegis Juris Fraternity, law student din ng UST at nagtra­trabaho na part-time medical technologist sa San Lazaro Hospital. Habang ipinahayag­ na­man ni Margarejo, na pina­kikilos na nila ang buong intel­ligence unit ng MPD para imbes­tigahan ang kaso. 

 Maging ang UBER unit na sinakyan ng biktima papuntang UST at pati ang pagpapauwi niya sa mga gamit sa  driver ng UBER ay bine-verify na rin ng pulisya.

Nakatakdang sumulat sa pamunuan ng Uber ang magulang ng  hazing victims na si Horacio Castillo III upang ilabas ang  detalye ng  mga ruta ng sinakyan ng biktima bago mangyari ang insidente.

Dagdag ni Margarejo, si­na­bi­han sila ng Uber na tanging­ ang magulang lamang ng biktima ang maaaring mag-request upang malaman kung saan dinala si Horacio 3rd. Lumilitaw na nag-Uber ang biktima upang  dalin ang kanyang mga gamit.

Sinabi naman ng mga magulang ng biktima na sina Carmina at Horacio II, humingi ng  permiso sa kanilang anak na sumailalim sa  initiation kasabay ng paniniyak na walang mangyayaring ma­sama dito. Binanggit din umano ng biktima na mag-u-Uber ito at hindi gagamitin ang kanyang sasakyan.

Kahapon ay nagtungo sa University of Santo Tomas  ang mga imbestigador ng MPD upang kunin ang listahan ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity,ang fraternity na sina­lihan ni Horacio 3rd. Inim­bitahan din ng MPD si UST Civil Law dean Atty. Nilo Divina subalit wala pa itong tugon. Samantala, nagsasagawa na rin ng parallel investigation ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nasabing krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with