^

Metro

Buong pwersa ng Police Community Precinct sa Pasay City, sinibak din!

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang pagsibak sa buong pwersa ng Caloocan City police, kahapon ay sinibak din ng Southern Police District (SPD) ang buong pwersa ng Police Community Precinct (PCP) 3, ng Pasay City Police kabilang ang commander nito matapos ireklamo ng isang lalaking nabiktima ng holdap na hindi umano binalik ng mga pulis ang mga gamit at pera nito na tinangay ng mga suspect.

Ayon sa hepe ng Public Information Office (PIO) ng SPD na si Police Supt. Jenny Tecson, nabatid na ang buong pwersa ng PCP 3, Pasay City Police ay sinibak ni SPD director, Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. sa pangunguna ng commander­ nito na si Police Chief Inspector Remedios Terte.

Sinabi ni Tecson, na ang 30 police na nakatalaga sa natu­rang presinto ay inilagay muna sa  Holding Center ng SPD, samantalang si Terte ay inilagay sa Regional Personnel Holding Admin Unit ng National Capital Regional Police Office.

Ang hakbangin ni Apolinario ay kaugnay ng naging reklamo ng biktima ng holdap na si Ignacio Tan, noong Agosto 8 ng taong kasalukuyan sa naturang lungsod.

Dahilan upang i-report ng biktima ang insidente sa tanggapan ng PCP 3, Pasay City Police.

Nabatid na tumugon naman ang pulis at nahuli ang mga holdaper ‘yung nga lang umano hindi na ibinalik ng mga pulis ang narekober na mga gamit na nakulimbat sa kanya ng mga suspect.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with