^

Metro

Upuan ng MRT-3, nasunog!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang tumirik ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) makaraang umusok at masunog ang upuan ng isang bagon nito, kahapon ng umaga.  

Natakot at nagmamadaling lumabas ng tren ang mga pasahero ng makita nilang umuusok at tuluyang masunog ang upuan dakong alas-6:00 ng umaga.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez, nagbigay ng warning signal ang driver ng tren nang papalapit na ito sa Santolan station at nang inspeksyunin ay nakita ang sunog sa upuan sa section C ng train number 5.

Agad na hinatak pabalik ng depo sa North Avenue, Quezon City ang nagka-aberyang bagon bago nagbalik sa normal na operasyon ang biyahe ng MRT-3.

Sinabi ni Chavez, hindi na dapat ipagtaka ang araw-araw na aberya na naitatala sa MRT-3 dahil sa ‘poor performance’ umano ng maintenance provider nito.

Aniya, hanggang ngayon ay wala pa ring mga piyesa para maging maayos ang kondisyon ng mga tren ng MRT-3.

Bigo umano ang Busan Universal Rail Inc. (BURI) na gawan ng remedyo ang mga piyesa kaya araw-araw na nagkakaroon ng aberya.

Inihayag pa ni Chavez, mula noong unang quarter ng 2017 ay paulit-ulit na nakapagtala ng problema sa MRT gaya ng traction motors, signalling system, sirang wifer at interlocking doors, pero tila dedma umano ang BURI dahil hindi pa rin nabili ang mga piyesa para maayos ang biyahe.

Sa Disyembre matatapos ang kontrata ng BURI subalit dalawang bagon pa lamang ang naaayos, gayung 43 bagon ang kailangang ma-overhaul.

Inirekomenda na ni Chavez na kanselahin na ang kontrata ng BURI para matapos na ang kalbaryong nararanasan ng mga pasahero dulot ang araw-araw na aberya ng MRT-3.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with