^

Metro

Best station sa NCR: Buong Caloocan city police sinibak

Pilipino Star Ngayon
Best station sa NCR: Buong Caloocan city police sinibak

MANILA, Philippines — Sinibak ni National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde ang lahat ng tauhan ng Caloocan City police kasunod ng isang kwestyonableng operasyon.

Sinabi ni Albayalde na 62 pulis na ang tinaggal bukod pa sa 13 miyembro ng Public Safety Battalion ng Northern Police District.

Aniya susunod na rin sa mga darating na araw ang iba pa.

BASAHIN: 13 pulis, inireklamo ng pagnanakaw

“Mas mabuti po siguro ito na preemptive measure na gagawin na rin po natin,” pahayag ni Albayalde.

Nahuli sa CCTV ang paglusob ng mga tauhan ng mga pulis Caloocan sa isang bahay sa kabila ng kawalan ng search warrant.

Nakita rin ang pagnanakaw ng mga gamit tulad ng cellphone at relo.

Sunud-sunod ang malalaking isyu sa mga pulis Caloocan matapos ang pagpaslang ng ilan nilang miyembro kay Kian delos Santos.

Nasundan pa ito ng pagpatay sa isa na namang teenager na si Carl Arnaiz.

Bago pa man mangyari ang mga pagpatay ay kinilalang "Best City Police Station" sa NCR ang Caloocan City.
 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with