Araw-araw na lang na aberya sa MRT-3
MANILA, Philippines — Dumanas muli ng magkasunod na aberya ang mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahapon ng umaga.
Sa ipinalabas na abiso ng MRT-3, nabatid na ang unang aberya ay naganap dakong alas-10:12 ng umaga nang tumigil ang isang tren nito sa southbound lane ng Guadalupe Station sa Makati City dahil sa problemang teknikal, kaya’t napilitan itong magbaba ng mga pasahero.
Nasundan pa ang aberya dakong alas-11:22 ng umaga, kung saan napilitang mu-ling magbaba ng pasahero ang isang tren nito dahil mahina umano ang preno nito sa southbound ng Kamuning Station sa Quezon City.
Pinalipat naman sa kasunod na tren ang mga pinababang pasahero.
Umabot naman sa category 3 ang status ng mga naturang aberya, na nanga-ngahulugang inalis ang mga nagkaaberyang tren sa linya ng walang kapalit.
Kamakalawa, anim na ulit na nagkaaberya ang mga tren ng MRT-3, na nagresulta sa pagkasugat ng dalawang pasahero nito.
- Latest