PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

13 pulis, inireklamo ng pagnanakaw

MANILA, Philippines — Inireklamo kahapon ng pagnanakaw ng isang negos­yante ang 13-pulis-Caloocan makaraang puwersahang pasukin umano ang kanyang bahay at tangayin ang mga alahas, pera at gadget sa naturang lungsod.

Dumulog sa Caloocan City Police ang biktimang si Gina Erobas, 51, residente ng Brgy. 188 Tala at inireklamo ang 13 miyembro ng Police Assistance Center 12 ng North Extension Office. Pansamantala munang itinago ang pagkakakilanlan sa mga pulis dahil sa imbestigasyon.

Sa salaysay ni Erobas, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi nitong nakaraang Setyembre 7. Nagpapahinga na si Erobas at kanyang pamilya nang puwersahang pasukin ang kanilang bahay ng mga armadong lalaki na tila may hinahanap.

Naghalughog umano ang mga salarin hanggang sa ta-ngayin ang dalawang relo, isang Samsung Note 2 mobile phone at P6,000 cash saka umalis. Huli na umano nang malaman niya na mga pulis ang mga lalaki.

Nakunan naman ng footage ng kanilang closed circuit television camera ang insidente kaya nakilala ang mga salarin. Isinasailalim na ito sa imbestigasyon ng pulisya bilang ebidensya.

Inireklamo pa ni Erobas na nagdulot ng matinding trauma at naapektuhan ang kalusugan ng kanyang dalawang menor-de-edad na apo ang panloloob sa kanila kaya plano rin niyang sampahan ang mga pulis ng kasong child abuse.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: