PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sangkaterbang basura bumara sa mga drainage

MANILA, Philippines — Sangkaterbang basura ang nahakot mula sa pumping station ng Tripa De Galina sa Pasay City dahilan upang bumara ang mga drainage na naging sanhi nang pagbaha ng ilang lansangan sa Metro Manila.

Kung kaya’t kahapon ay mariing nana­wagan ang Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) sa publi­ko, na pairalin ang disiplina at huwag mag­ta­pon ng basura kung saan-saan lalu na sa mga ilog.

Sa isinagawang inspeksyon ni MMDA Chairman Danilo Lim  sa mga pumping station, nabatid na napakaraming basura na pawang mga plastic ang nahakot. Kung saan nakabara ito sa daluyan ng mga tubig.

Sinabi ni Lim na mas titindi pa ang pagbaha sa Kalakhang Maynila  kapag umuulan dahil sa ganitong walang habas na pagtatapon ng basura sa kung saan-saan.

Nabatid, nitong kasagsagan ng bagyong Maring, lubog sa tubig  ang malaking  bahagi ng Metro Manila dahil barado ng basura ang ilang daluyan ng tubig.

Nabatid na ang pagbabaha din aniya ang isa sa mga sanhi kung bakit matindi ang trapik sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila kapag umuulan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: