PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Spot reports sa NPD, bawal na rin sa media

MANILA, Philippines — Ipinagbawal na rin ng pamunuan ng Northern Police District (NPD) ang pagpapakita ng spot reports ng mga insidenteng nagaganap sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA).

Kahapon, itinigil na ng NPD Police Community Relations ang pagbibigay ng reports sa mga mamamaha­yag na nagko-kober sa distrito makaraang ipag-utos umano ng PNP General Head­­quarters.

Ayon sa source ng PSN na humiling magpatago ng pagkakakilanlan, naghihintay pa umano sila ng pinal na klari­pikasyon sa Kampo Crame.

“Humihingi pa ko ng ins-tructions,  according sa Crame kahapon parang kapag under investigation ang kaso hindi muna daw magbibigay. Hindi ko pa rin sure kasi wala pang memo,” ayon sa source.

Base sa impormasyon, mga kaso na tapos nang im­bestigahan ang ipamamahagi sa media kaya hindi na agad makakakuha ng opisyal na ulat sa mga insidente na biglaang nagaganap.

Kinondena naman ito ng mga mamamahayag. Ayon sa Northern Media Group (NMG), ang aksyon ay pagsupil sa malayang pamamahayag habang iginiit na isang pampublikong dokumento ang spot reports. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kinukuwestiyon rin ng mga mamamahayag kung may kaugnayan ito sa kontrobersya sa spot reports sa kaso ng pinaslang na si Carl Angelo Arnaiz sa Caloocan City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: