PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

1 na namang binatilyo, natagpuang patay sa Bulacan

MANILA, Philippines — Isa na namang binatilyo na taga-Caloocan na iniulat ring nawawala ang hinihinalang bangkay ng isang tinedyer na natagpuan sa San Jose Del Monte, Bulacan nitong nakaraang Miyerkules.

Kahapon, sinabi ni Genevie Remecio, ng Brgy. 176 Bagong Silang, Caloocan na naniniwala sila na ang bang- kay ay ang kanyang anak na si Michael Angelo Remecio, 16.

Natagpuan ang bangkay na nakasilid sa isang sako at itinapon sa tambak ng basura sa San Jose Del Monte City sa Bulacan na hangganan lang ng Caloocan.

Nabatid na umalis ng kaniyang bahay si Michael noong Agosto 25 nang mamasada ng tricycle ngunit hindi na siya nakabalik ng bahay.

Sa pagtatanong ng pamilya ni Michael sa kanyang mga kaibigan, nabalitaan nila ang pagkakatagpo ng isang bangkay sa may Brgy. Gaya-Gaya sa San Jose del Monte City. Agad na nagtungo sa punerarya ang mag-asawang Remecio at kinilala ang bangkay.

Ayon sa ama ni Michael na si Dionisio, nakilala niya ang bangkay ng anak sa pamamagitan ng damit na suot sa kabila na agnas na ang bangkay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kumuha na ng DNA samples ang pulisya upang ihambing sa mag-asawang Remecio upang makumpirma ang kanilang hinala.

Ayon pa sa mag-asawa, tumigil ng pag-aaral ang kanilang anak dahil sa hirap ng buhay. Nagpasya siyang tumulong sa pamilya sa pamamagitan ng pamamasada ng tricycle kahit menor-de-edad pa. Pangarap umano ni Michael na maging pulis sa hinaharap.

Itinanggi rin ng mga magulang na sangkot sa iligal na droga ang kanilang anak na tanging bisyo ay paninigarilyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: