PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Murder vs Caloocan cops inihain sa DOJ

Ang mga tauhan ng Caloocan City na sangkot sa pagkapaslang  sa 17-anyos na si Kian Delos Santos, na unang napatay sa isang police operation sa lungsod sa isinagawang preliminary investigation sa DOJ kahapon. (Kuha ni Miguel de Guzman)

MANILA, Philippines — Pormal nang naghain kahapon ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ng magkatropang sina Carl Arnaiz, 19 at ni Reynaldo De Guzman, alyas Kulot, 14 na kap­wa umano pinatay matapos na may ilang araw na pagkawala.

Batay sa isinumiteng   complaint nina Eduardo Gabriel at Lina Dimaganti, mga magulang ni Kulot sa DOJ, naniniwala sila na si­nadyang pinaslang ang kanilang anak para hindi ito makapagsalita hinggil sa kaso ng pagpatay kay Arnaiz.

Ipinagharap ng mga reklamong murder at paglabag sa Anti-Torture Law sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita at iba pang mga miyembro ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2.

Kumbinsido ang mag-asawa na ang sadyang pag­patay kay Kulot ay direktang may kinalaman sa pagpatay kay Arnaiz.

Ang pagkakatagpo uma­­no sa bangkay ni Kulot sa Gapan, Nueva Ecija ay ma­li­naw na paraan para maili-gaw ang imbestigasyon at hindi maiugnay sa kaso ni Arnaiz.

Samantala, inihain na rin kahapon ng mga magulang naman ni Arnaiz ang reklamong murder, torture at planting of evidence ng mga magulang sa ilalim ng paglabag sa Section 29 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) laban sa mga tauhan  ng Caloocan Police.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kasama rin sa kanilang kinasuhan ang taxi driver na si Tomas Bagcal na sinasa-bing hinoldap ni Arnaiz.

Matatandaang kamaka-lawa ay naiulat na may isang testigong hawak ang Public Attorneys’ Office (PAO) na kusang nagbunyag sa kaniyang nasaksihan nang patayin ng mga pulis ang nakaposas na si Arnaiz habang may isa pang binatilyo na nasa loob umano ng sasakyan ng mga pulis sa Caloocan noong Agosto 18, 2017, ang araw na itinurn-over ng taxi driver na si To­mas Bagcal si Arnaiz sa pulisya matapos siyang holdapin at kuyugin naman ng taumbayan ang binatilyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: