PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sudden break ng MRT: 2 pasahero sugatan

5 beses tumirik ang biyahe

MANILA, Philippines — Sugatan ang dalawang pasahero ng Metro Rail Tran­sit (MRT)-3 makaraang magkaroon ng ‘sudden break’ ang isang tren nito at limang beses na tumirik ang biyahe ng MRT-3, kahapon ng uma­ga.

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3, unang nagkaroon ng technical problem ang isa sa mga tren dakong alas-7:12 ng umaga sa southbound lane ng Santolan Annapolis Station kaya’t napilitan silang magpababa ng mga pasahero.

Makalipas lamang ang isang minuto o ganap na alas-7:13 ng umaga ay nagkaro-on ng panibagong aberya sa northbound lane, pagitan ng Boni Avenue at Shaw Boulevard Station sa Manda­luyong City.

Sinasabing nagka-pro­blema sa Automatic Train Pro­tection (ATP) onboard signalling system ang bagon ng MRT-3 sa northbound ng Shaw Boulevard station, dahilan para biglaan itong mag-preno, na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang pasahero.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez, kabilang sa mga nasugatan ay isang 30-taong gulang na babae na nagtamo ng gasgas sa kanang braso at isang 68-taong gulang na lalaki na nasaktan ang kaliwang dibdib, na kapwa naman nilapatan ng paunang lunas.

Ang ikatlong aberya ay naganap naman dakong alas-8:15 ng umaga kung saan pinababa rin ang mga pasahero sa Magallanes station northbound dahil pa rin sa problemang teknikal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nasundan pa ito ng isa pang aberya dakong alas-8:22 ng umaga (southbound) at alas-9:11 ng umaga (northbound), kung saan nagpababa rin ng mga pasahero ang dalawa pang tren ng MRT-3, parehong sa Boni station.

Pawang umabot sa cate­gory 3 ang mga status ng mga naturang aberya, at hi-natak pabalik ng MRT-3 depo ang mga tumirik na bagon.

Ang MRT-3, ay bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula sa North Ave­nue Quezon City patungo ng Taft Ave., Pasay City at vice versa.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: