^

Metro

PANOORIN: Taxi driver na biktima umano ni Carl Arnaiz isinalaysay ang pangyayari

Pilipino Star Ngayon
PANOORIN: Taxi driver na biktima umano ni Carl Arnaiz isinalaysay ang pangyayari

MANILA, Philippines – Ikinuwento ng isang taxi driver ang sinapit niya matapos siyang holdapin ng 19-anyos na dating estudyante ng University of the Philippines sa Caloocan City.

Sa panayam kay Marleo Bagcal, inilahad niyang pinara siya ni Carl Angelo Arnaiz sa Navotas at nagpahatid sa Caloocan City noong madaling araw ng Agosto 17.

Napansin niyang balisa si Arnaiz at hindi mapakali ngunit hindi naman niya pinagsuspetsahan ang teenager.

BASAHIN: NBI iimbestigahan ang pagpatay kay Carl Arnaiz

Nagulat na lamang siya nang madeklara ng holdap si Arnaiz na armado ng .38 kalibre na barila na ipinalo sa kaniya.

Laking pasasalamat niya na may mga pulis na nahingian niya ng tulong.

"Pinutukan daw sila... Pinutukan sila e syempre anong reaksyon ng mga pulis natin? Nakipag-barilan na rin. Patay," kuwento ni Bagcal.

Lumabas sa forensic analysis ng Public Attorney’s Office na pinahirapan si Arnaiz bago pinatay base sa mga tama ng bala at bugbog sa katawan.

BASAHINPinsan ni Carl Arnaiz sa mga pulis: Nakakatulog pa ba kayo sa gabi?

"Malalalim 'yung gasgas niya, mukhang kinaladkad ito at mukhang binugbog. Magang-maga 'yung kanyang mga mata. Meron din kami nakitang marka na siya ay pinosasan. Maraming marka ng posas," wika ni  Dr. Erwin Erfe,  pinuno ng PAO forensic laboratory services, sa ABS-CBN News.

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with