^

Metro

Traffic enforcer, itinumba ng tandem

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay traffic enforcer nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Namatay noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Teogenes Mendez, 51, ng Block 1, Lot 6, Sampaguita St., Brgy. Pasong Putik ng lungsod.

Sa imbestigasyon bago naganap ang krimen dakong alas-6:00 ng umaga malapit sa Divine Grace Elementary School, Ilang-Ilang St., Brgy. Pasong Putik ay nagmamando ng trapiko ang biktima nang biglang sumulpot ang isang motorsiklong walang plaka, sakay ang dalawang kalalakihan at dito ay bumunot ng baril ang angkas at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek nang masigurong patay na ang biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpaslang habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with