^

Metro

Mahigit 1,400 Metro cops, nakasuhan-NCRPO

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Dawit sa ibat-ibang krimen

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Natio-nal Capital Regional Police Office (NCRPO) na mahigit 1,400 Metro Ma­nila cops, na sangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng kidnapping at extortion, ang nasampahan na nila ng kaso simula lamang nang manungku­lan ang administrasyong Duterte noong Hulyo 2016.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, ang pagsasampa ng kaso sa mga naturang pulis ay bahagi ng kanilang pagsusumikap na malinis ang kanilang hanay laban sa  mga tiwaling pulis.

Kasabay nito, tiniyak ni Albayalde na hindi sila titigil hanggang sa tuluyan nang malinis ang kanilang hanay mula sa mga ‘bugok na itlog’ at tuluyang maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa PNP.

Muli rin namang tiniyak ni Albayalde na walang dapat na ikabahala at ikatakot ang mga mamamayan dahil hindi kailanman kukunsintihin at itu-tolerate ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang anumang uri ng karaharan at pang-aabuso ng kanilang mga miyembro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with